Wednesday, May 6, 2009

Usapan sa "matatandang" baso.


“Wala man tayong magagawa sa sitwasyon dahil may sarili na siyang desisyon, ang mahalaga malaman nya na may tumututol sa kanyang desisyon.” Siguro nga, ito ang ugaling nakuha ko sa tatay ko. ..

...Hangga’t kayang ipaglaban ang pinaniniwalaan kong tama; hangga’t kayang intindihin at ipaintindi ang mga bagay-bagay sa mga taong maaapektuhan ng mga ito; hangga’t kayang lumaban, lalaban. Walang maliit, walang malaki para kay Daddy...lahat ng aksyon may epekto, lahat ng kasalanan may kaukulang parusa. Diskarte at disiplina. Sabi nga niya, kahit na di malaki ang pagbabago, kahit di malaki ang impluwensya mo, ang mahalaga, narinig nila ang nasa isip mo at napaisip sila sa sinabi mo... maaari ka nang nkaimpluwensya kahit 5% non... Sa maniwala ka’t sa hindi, nag-iba na agad ang resulta dahil don.

Simula pagkabata, (lalo na nong naging SK Chairman ako) nasanay na akong makinig sa mga usapang baso—kwentuhang madalas ay galing sa puso at tunay na hangarin.

At sa mga pagkakataong ito ay may makulit na inumang nagaganap dito sa bahay habang nagkkwentuhan kaming magpipinsan. Nakakatuwang pagmasdan sina Daddy, Tito at iba pa nilang mga kaibigan habang masayang nagtatawanan at nagaasaran. Ang sayang makitang masaya sila, nakakalimot sa anumang sinasabi nilang disappontments at frustrations nila, inaalala ang mga masasayang alaala. Naisip ko, sa pagtanda ko, gusto ko din ng ganito...(parang si Juday lang) kahit 80 katao lang matira sa dinami-dami ng kaibigan at kakilala ko, basta di sila aalis, tatanggapin nila ako kahit na anong mangyari, at magkakaintindihan kami.  Kailangan nating lahat yon, sabi nga ni Mother Theresa, the greatest malady on Earth is the feeling of being rejected and unloved.

At habang nagtatype ako nang kung anu-ano lang, humiga na ang mga cute kong tito at mga kaibigan nila, mayamaya...
“Nagdadasal ka ba gabi-gabi? Nagsosorry ka ba kay Lord?”
“Di ako nagsosorry.”
“Magsorry ka muna. MagSorry ka muna.”
“Nahihiya ako.”
“Sige na... Una ko kasing sinasabi eh...”
“Alam mo, matagal akong tulog...”
“Ikaw? Kailan ka lang nagising?”
“Ahmmm...”
“Gising ka ba ngaun?”

Sabi nga ni Willie, mas mabuti ang magbigay kesa bigyan, ang masaktan kesa manakit, ang malamangan kesa manlamang.

Haha. Hindi ko alam kung may patutunguhan pa kami dito pare-pareho basta alam ko, almost 3 days akong may lagnat. 38.5 ung una kong temperature nong Sunday. Hindi ko alam kung H1N1 ba ang virus ko o labnat daw o talagang may dengue lang dahil tuwing gabi pabalik-balik ang lagnat. Haha.

COMMERCIAL: 
Happy birthday Mommy! I love you! Mua. Please stop greeting me every 5th. hehe. 
Advance Happy Mother's day! You're the best mom and my best friend kaya wag mo na po isipin un ah.

“Minsan sa ating buhay, meron tayong mga bagay na hindi natin nakikita kaya kailangan natin ng iba para makita ang mga ito”— mula sa  aking Tito Hector habang tinatanong nya kay Daddy kung asan sya at sinasagot naman ni Daddy ng “asa Baguio. Asa Pampanga.  Asa Talinting.” At kung mahal mo ang isang tao, sasabihin mo sa kanya kung anong mali at pangit sa kanya dahil may concern ka, yun ang sabi nila. =)

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...